Yung lowest point ng buhay ko, may underground pa pala. -katamad-
Hawak ko pala future ko no. Haha yari tayo dyan. -kati-
Ba't pa'ko mag ggym eh gabi gabi naman akong nag bubuhat ng mabigat na nararamdaman. -hagispuso-
Naks hindi nilalamig, sinanay kasi.-katamad-
Heto, naiinggit sa mga binababy. -katamad-
Kaya nga magkapatid eh, tayo dapat ang nag uutangan ng walang bayad-bayad. -hiya-
Kung may pangarap, samahan ng sipag at tyaga. Hindi yun puro lang shared post ng duwende at pera.-katamad-
Ang tataas ng standard at requirements sa trabaho tapos pagdating sa politika, okay lang pala kahit kung sinu-sino na lang. -katamad-
Parang di na ako marunong matulog ah. -katamad-
Si Winnie the Pooh pa rin talaga yung lalaking the best na naka crop top. -katamad-
Oh heto "stay safe today, baby. don't skip meals po cause it's bad. Take your time. Message me pls when you got time, and don't forget to drink your water." Ayan hati-hati na kayo dyan ah.-katamad-
Punta ako diyan sa inyo may dala akong problema pagsaluhan natin. -hiya-
Mali yang mindset mo na susuko ka na agad kapag pagod ka, iabsent mo lang yan tapos dikit sa day-off.-masaya-
Kung wala lang akong self control, patong patong na siguro kaso ko ngayon.-katamad-
Medyo pagod na 'ko kaka "please be good to me" magmula January hanggang September. October, bahala ka na. Kaya mo na yan.-katamad-